-- Advertisements --
image 392

Niyanig ng 5.9-magnitude na lindol ang hilagang-kanluran ng Iran malapit sa boarder ng Turkey na ikinasawi ng hindi bababa sa dalawang tao at ikinasugat ng daan-daan.

Ang lindol ay tumama sa lungsod ng Khoy sa lalawigan ng West Azerbaijan bandang 9:44pm (1814 GMT), ayon sa Seismological Center of University of Tehran.

“So far this quake has left 580 injured and two dead,” sabi ni West Azerbaijan governor Mohammad Sadegh Motamedian.

Dagdag pa niya, “The minister of interior and the chief of the Red Crescent Society are on their way to Khoy,”

Una na rito, noong Enero 18, isang 5.8 na lindol malapit sa Khoy ang nag-iwan ng daan-daang sugatan.

Noong Pebrero 2020 naman, isang 5.7-magnitude na lindol ang yumanig sa kanlurang nayon ng Habash-e Olya na pumatay ng hindi bababa sa siyam na tao sa hangganan ng kalapit ng Turkey.

Ang pinakanakamamatay na naitalang lindol sa Iran ay ang 7.4-magnitude na pagyanig noong 1990 na pumatay ng 40,000 katao sa hilaga ng bansa, ikinasugat ng 300,000 at nag-iwan ng kalahating milyong taong nawalan ng tirahan.