-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dalawang katao ang patay kabilang ang driver habang marami ang sugatan matapos bundulin ng isang elf truck ang isang de-pasaherong muliticab sa Purok-8, Barangay Bancasi, nitong lungsod ng Butuan kahapon ng alas-5:15 ng hapon.

Nakilala ang mga namatay na sina Alegi Ybañez Bawiga, 21-anyos, residente ng Brgy. Matabao, Buenavista, Agusan del Norte na siyang driver ng multicab at Irish Salva, 45-anyos residente ng Barangay Imadejas nitong lungsod na isa sa mga nga pasahero ng nasabing multicab.

Sa ulat ng Butuan City Police Station 3, papunta sana ng Buenavista, Agusan del Norte ang multicab subalit pagdating sa naturang lugar ay binangga ito ng kasalubong na elf truck na minamaneho ni Glenn Helig Vicente, 42-anyos, residente ng Montevista Subd., Brgy. San Vicente, Butuan City. Nang ito’y mag-overtake sa isa pang sasakyan.

Sa lakas ng pagkakabanga ay parehong napinsala ang dalawang sasakyan subalit mas nasira ang multicab matapos mayupi ang unahang bahagi nito dahilan sa pagkakaipit ng driver na kalaunan ay namatay din.

Lahat ng mga sakay ng dalawang sasakyan ay kaagad na isinugod sa ospital kung saan karamihan sa mga sakay ng multicab ay nagtamo ng serious injury at mga pasa sa katawan.

Sa ospital naman binawian na buhay ang ikalawang casualty na pasahero matapos itong magtamo ng mga pasa sa ibat-ibang bahing ng katawhan dahil sa lakas ng impact.
Unconscious naman ang driver ng elf truck nang isinugod ito sa ospital.

Samatala, himala namang hindi nasaktan ang isang two-week old baby na sakay ng nasabing multicab subalit nagtamo ng matinding sugat at mga pasa ang ina nitong si Annabelle Sanchez na residente sa Brgy. Manapa, Buenavista, Agusan del Norte.

Nabatid na puno ng pasahero ang nasabing multicab.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng BCPS 3 ang dalawang sasakyan para tamang disposasyon.