-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa higit isandaang pamilya ang lumikas mula sa dalawang barangay sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanoa matapos na sumiklab ang panibagong engkwentro sa pagitan ng dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ikinasawi ng dalawa katao.

Kinumpirma ni Mayor Datu Shameem Mastura ,alkalde ng nasabing bayan na matagal nang niresolba ang problema sa magkalabang grupo na pinamumunuan ng mga MILF commanders ngunit sa di pa malamang kadahilanan, biglang sumiklab ulit ang dating alitan ng mga ito.

Dahil sa nasabing engkwentro at matinding putukan ng magkalabang armadong grupo apektado ang higit 100 pamilya sa nasabing lugar na nagsilikas para makaiwas na maipit sa nasabing kaguluhan.

Naitala din ang 2 kataong namatay sa nangyaring girian ngunit inaalam pa sa ngayon ang mga pagkakakilanlan ng mga ito.

Samantala,nagsagawa naman ang Municipal Peace and Order Council o MPOC ng pagtipon kasama na sina MP Tucao Mastura,Ltc. Ferdinand Dela Cruz ng 6th Mechanize Batallion,Ltc. Sabri Lakibul ng SK PNP at ilang commnders ng MILF para magkaayon an ang gusot sa magkabilang panig.

Agad pinulong ni Mastura ang Peace and Order Council kanina upang alamin kung paano maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga apektadong pamilya.