-- Advertisements --
Screenshot 2020 11 28 10 13 18 1

DAVAO CITY – Patuloy ngayon ang panawagan ng otoridad sa mga nasasangkot sa iligal na droga na iwasan na ang nasabing bisyo at huwag subukan na lumaban sa mga pulis.

Una nito, dalawang indibidwal ang napatay sa isinagawang drug buy bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit.

Narekober naman sa mga ito ang mahigit P1 million na halaga ng iligal na droga.

Nakilala ang mga suspek na sina Jan-Jan Cawati alyas Tata Polinar residente ng Brgy Madaum, Tagum City at Jan Carlo Bermudez alyas Adam, 28, residentE ng Purok 18-Santan, Suaybaguio, Brgy North, Tagum City.

Isinagawa ang operasyon sa Purok Orchids, Brgy. Mankilam, Tagum City.

Sinasabing nakapansin ang mga suspek na pulis ang kanilang naka-transaksiyon matapos bumili ang poseur buyer ng P12,000 ng shabu.

Pinaputukan ng mga suspetsado ang mga pulis ngunit naunahan ito ng otoridad.

Narekober mula sa napatay na mga suspek ang tig-isang .45 caliber pistol at mga pakete ng iligal na droga na tumitimbang ng 81 grams o may halagang ₱1,296,000.