BACOLOD CITY — Dalawa ang patay at isa ang sugatan sa nangyaring komosyon sa pagitan ng dalawang pamilya sa Hinigaran, Negros Occidental.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Police Major James Latayon, hepe ng Hinigaran Municipal Police Station, kapwa nag-iinuman ang pamilya Flores at Tanagan sa Sitio Gallera, Brgy. Nanunga, dakong alas-10:30 nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa hepe, natapos na sa pag-inom ang pamilya ni Van Flores na isa sa mga namatay nang lumabas ito at pumunta sa bahay nina Wilfredo Tanagan; Mark Joseph Tanagan; Freddie Tanagan at Alan Yurag.
Biglang naganap ang komosyon nang lumapit si Van sa mga Tanagan at may sumigaw na may patay na sa mga ito.
Lumapit naman ang kuya ni Flores na si Varry upang maghiganti at kanyang sinaksak si Yurag.
Nasugatan din si Varry kasunod ng insidente.
Dinala ang mga sugatan sa Hinigaran Emergency Clinic ngunit idineklarang dead on-arrival sina Van at Allan.
Kaagad namang tumakas ang isa pang miyembro ng pamilyaTanagan na si Wilfredo.