-- Advertisements --

CEBU CITY – Hustisya ang sigaw ng mga pamilya at kaibigan ng mga biktima ng pamamaril sa isang coffee shop na ikinamatay ng dalawang katao at pagkasugat g dalawang iba pa sa F. Ramos Street, Barangay Cogon Ramos sa Lungsod ng Cebu kagabi.

Ang mga namatay ay kinilalang sina John Michael Hermoso, 29-anyos na residente ng Barangay Apas nitong lungsod at isa sa mga may ari ng The Good Cup Coffee Company; at Kis Tryvl Ramos, 21, taga-Barangay Pardo nitong lungsod at cashier sa nasabing coffee shop.

Kasalukuyang nasa pagamutan naman ang chaisier na si Sherwin Rivera, 23-anyos na residente ng Barangay Mambaling; at Jerome Amada, empleyado rin ng coffee shop.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay lice Lieutenant Elston Dabon, deputy commander ng Abellana Police styation, sinabi nito na magsasara na sana ang coffee shop nang bigla na lamang dumating ang dalwang suspek na lulan ng kulay dilaw na motorsiklo na walang plate number at bigla na lamang sumalakay at binaril ang mga biktima.

Dead on the spot ang may ari na si Hermoso samantalang dead on arrival sa pagamutan si Ramos.

Ayon kay Dabon, posibleng pinlano ang pagpatay sa mga biktima ngunit hindi pa nila matukoy ang motibo sa krimen.

Napag-alaman na si Ramos ay working student at graduating na sana sa kursong Bachelor of Arts in Psychology sa University of the Philippines Cebu sa darating na June 2019.