-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kapwa patay sa magkaibang police operations ang isang miyembro ng Parojinog robbery hold-up group at isang high value target matapos nakipagbarilan sa mga otoridad.

Ayon kay Police Major Ananias Vasquez, hepe ng Makar Police Station, nakipagkasundo sa kanilang poseur buyer ang suspek na nagngangalang Alex Cañaliso, 27-anyos na residente ng Purok 2 Extention Barangay Apopong nitong lungsod.

Miyembro rin siya ng Parojinog robbery group.

Dagdag ni Vasquez, nakatunog ang suspek kaya bumunot ng caliber 45 pistol subalit naunahan ito ng pulisya kaya nabaril at nagtamo ng mga sugat.

Nakuha mula sa suspek ang 25 sachet sa pinaghihinalaang shabu na may market value na P25,000, gayundin ang caliber 45 pistol, at caliber 38 revolber.

Samantala, nadakip din sa pangalawang operasyon ang pangalawang suspek malapit lamang sa kanyang bahay.

Kinilala ito na si Crispolo Deocades Jr., 49, residente ng Purok 1 Fatima nitong lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang 21 sachet ng pinagdududahang shabu na may market value na P20,000, 38 revolber, marked money at isang kulay itim na motorsiklo.

Dinala naman sila sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.