KORONADAL CITY – Away pamilya o rido ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa pamamaril sa Barangay Langkong sa bayan ng Matanog sa Maguindanao na nagresulta sa pagkamatay ng 2 biktima kabilang na ang isang 3 taong gulang at pagkasugat naman ng 3 iba pa.
Kinilala ni Capt. Fhaeyd Cana, spokesman ng Maguindanao provincial police ang mga nasawi na sina Bro Lumbos at ang pamangkin nitong tatlong taong gulang pa lamang.
Nagtamo naman ng mga tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan sina Akmad Makaurao at dalawa pang mga menor de edad.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na habang pasan ni Makaurao at Lumbos ng mais na nakasilid sa mga sako patungo sa kanilang sasakyan ay dumating ang mga salarin at pinagbabaril gamit ang M16 rifle.
Inaalam pa sa ngayon ang identity ng mga suspek na may kagagawan sa krimen.
Kasalukuyan naming nasa hospital si Makaurao at ang dalawang mga batang nasugatan sa naturang insidente.