-- Advertisements --

KORONADAL CITY –Na-neutralize ang umano’y field commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF) Karialan Faction at kasama nito habang tatlong PNP personnel naman ang sugatan sa inilunsad na PNP at AFP law enforcement operation sa Public Terminal, Barangay New Isabela, Tacurong City.

Ito ang kinumpirma ni a panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Lt. Col. Bryan Bernardino, chief of police ng Tacurong City PNP sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ang mga nasawi na sina Abdulkarem Lumbatan Hasim alyas “Kumander Boy Jacket” at isang Makmud Lumbatan na myembro rin ng BIFF-Karialan Faction.

Si Kumander Boy Jacket ang itinuturing most active commander ng BIFF na sangkot sa ibat-ibang atrocities sa South Central Mindanao na kinabibilangan ng pananambang sa mga PNP personnel na maghahain sana ng warrant of arrest sa Barangay Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao na ikinasawi ni Police Lt. Col. Reynaldo Samson at kasamahan nito noong Agosto 29,2022.

Sangkot din ito sa panghaharass sa Barangay Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao na nagresulta sa pagkamatay ni Cpl. Allan Balena noong October 2022.

Maliban dito, itinuturo din siya at ang grupo nito na may kagagawan sa panghaharass sa Datu Hoffer Maguindanao na ikinasugat ng dalawang mga sundalo noong Nobyembre at nasundan pa noong Disyembre 2022.
May mga existing warant of arrest din ang suspect sa mga kasong double murder at multiple frustrated murder.

Dagdag pa ni Bernardino, may dalawa pang kasamahan sina Kumander Boy Jacket na nakatakas matapos makipagbarilan sa operating team.

Nasa tatlong mga PNP personnel din ang nasugatan sa nangyaring palitan ng putok ngunit nasa ligtas na sitwasyon na sa ngayon.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Taskforce Talakudong, Joint Taskforce Central, Tacurong PNP, 1st Mechanized Brigade, Philippine Army at iba pa.

Naghahanda naman ang mga otoridad sa posibilidad na retaliatory attack na gagawin ng BIFF-ISIS group.