ROXAS CITY – Mabilis na nilamon ng apoy ang mahigit 50 na kabahayan matapos ang nangyaring sunog bandang 1:30 ngayong hapon sa Rizal St., Barangay VII, Roxas City, Capiz.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Roxas, di umano’y nanggaling ang apoy sa isang burol, ito’y mabilis na kumalat at nagresulta sa pagka-abo ng mga kabahayan.
Dalawang katao naman ang kumpirmadong patay na kinilala na sila Nestor Clarito at Nenita Villaruz, 66 taong gulang.
Sinasabing na-trap sa kanilang bahay si Villaruz at hindi na nakalabas pa dahil indi na ito makalakad dala ng kapansanan.
Habang, nadakip naman ng apoy si Clarito matapos di umano’y bumalik sa kanilang upang salbahin ang mga naiwan na kagamitan.
Nagresponde sa nasabing sunog ang halos 15 firetrucks nagmula sa iba’t – ibang fire stations at volunteer group upang apulahin ang apoy.
Tinitiyak ni Roxas City Mayor Ronnie Dadivas ang agarang tulong sa mga biktima ng sunog.