DAVAO CITY – Nakakulong na ngayon sa Sta. Cruz, Davao del Sur Police Station ang driver ng van na naka-side sweep sa isang motorsiklo na siyang dahilan ng kamatayan ng dalawang sakay nito.
Nangyari ang insidente sa Sta. Cruz, Davao del Sur kung saan nakilala ang biktima na sina Jose Osayan Mompil Jr., 42, at kasamahan nito na si Arnel Lira, 43, parehong empleyado ng Franklin Baker at residente ng Brgy. Zone 2, Sta. Cruz, Davao del Sur.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na binabaybay ng mga biktima ang outer lane ngunit ng lumipat ito sa fast lane, na-side sweep ito ng van na minaneho ni Erwin Tampipi Uno, residente ng Sarangani province.
Agad na nalagutan ng buhay ang mga biktima dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga.
Nananatili ngayon sa Sta. Cruz PNP ang suspek at naghihintay na lamang sa isasampang kaso laban sa kanya.