-- Advertisements --
Patay ang dalawang manggagawa matapos na makalanghap ng toxic gas sa Busan, South Korea.
Natagpuang wala ng buhay ang 48-anyos at isang 28-anyos na mangagawa sa isang banyo sa daungan.
Dinala sa pagamutan ang dalawa kung saan matapos ang ilang oras ay nasawi din ang mga ito.
Lumabas sa imbestigasyon na nakalanghap ng hydrogen sulfide na may mataas na level.
Isasagawa ng mga otoridad ang otopsiya sa bangkay ng dalawa para malaman ang tunay na sanhi ng kamatayan ng mga biktima.