DAVAO CITY – Patay ang dalawang lalaki matapos malunod sa Vales Beach Resort, Barangay Daliao, District Toril sa lungsod.
Ayon pa sa Toril Police Station, nakilala ang mga biktima na sina Laoro Villamor, 48, may-asawa, residente ng San Gabriel Mintal; at Geovani dela Torre Torres, 48, residente ng Sanai Village, Purok 22, Mintal.
Agad na rumesponde ang mga personahe ng kapulisan sa lugar na ilang metro lamang ang layo mula sa nasabing resort.
Bago nangyari ang insidente, nakita pa umano ang dalawa na humihingi ng tulong ngunit dinala ng malakas na alon.
Sinubukan pang iligtas ng mga rescuers ang mga biktima ngunit dahil sa lakas ng alon ay nabigo ang mga ito.
Rumesponde naman ang M/Sgt. Lapitan ng Philippine Army at ng mailigtas ang dalawa kung saan agad itong dinala sa Saint John Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.