-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Binawian na ng buhay ang Isang lalaki matapos na masangkot sa aksidente sa Purok uno, Sillawit, Cauayan City.

ang biktima ay si Darius Madamba, 4o anyos, may asawa at residente ng San Isidro, Cauayan City.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Rescue 922 nagtamo ng open fracture sa kaliwang binti at sugat sa ulo at ba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima matapos na mag-overtake sa sinusundang sasakyan dahilan upang bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang poste sa nasabing lugar.

Naisugod sa ospital si Madamba ngunit binawiaan ng buhay dahil maraming dugo ang nawala sa biktima.

Samantala, patay din ang isang binatilyo matapos na masangkot sa banggaan ng sasakyan sa pambansang lansangang nasasakupan ng barangay San Antonio, Alicia, Isabela.

Ang nasawing biktima ay si Alfredo Gumapal Sulatre, 21 anyos,tsuper ng Honda City, residente ng barangay Linglingay, Alicia Isabela habang ang tsuper ng Toyota innova na nakabangga sa sasakyan ng biktima ay si Raffy Tabalanza, 30 anyos at residente ng Pasay City

Sa pagsisiyasat ng Alicia Police Station ang biktima ay patungo sa hilagang direksyon habang patungo naman sa kasalungat na direksiyon ang suspect.

Ayon sa salaysay ni Tabalanza, nawalan ng control sa kanyang sasakyan ang biktima at umagaw ng linya na naging sanhi upang magkabanggaan ang kanilang sasakyan na agarang ikinasawi ng biktima.

Agad namang dinala ng tumugong kasapi ng Rescue 531 sa ospital ang suspect at mga pasahero nitong sina Randy Santos, Rica Mae Obina, Rizza Obina, Daniella Asuzena, pawang residente ng Cagayan.

Ang mga sangkot na sasakyan ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng pulisya.