-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang dalawang iba matpos na tamaan sila ng kidlat malapit sa White House.

Kinilala ang mga biktimang sina Donna Mueller, 75-anyos at asawa nitong 76-anyos na si James mula sa Wisconsin, California.

Hindi na nakayanan ng dalawa ang sugat na tinamo dahil sa kidlat habang ang dalawang biktima ay nananatili sa pagamutan.

Ayon kay House press secretary Karine Jean-Pierre, na nasaa Lafayette Park malapit sa Washington DC ang dalawang lalaki at dalawang babae ng mangyari ang insidente.

Unang nagresponde ang mga secret service na tumulong sa mga biktima.

Dahil sa insidente ay isinara
pansamantala ang parke malapit sa White House.