-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dalawang motorista ang nasawi nang sumadsad ang sinakyan nilang motorsiklo sa Prime mover truck sa probinsya ng Cotabato.

Patay on the spot si Berly Placenia Diwaten habang dead on arrival naman sa pagamutan si Emiliano Tedios Esog, mga residente ng Prime Land Subdivision Barangay Mabuhay General Santos City.

Ayon sa ulat ng M’lang PNP na lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo at pagsapit nila Barangay Nueva Vida M’lang Cotabato ay nag-overtake ito sa isang prime mover truck.

Hindi napansin ng driver ang stockpile sa unahan dahilan para mawalan ito ng kontrol at natumba.

Tumilapon angkas ng motorsiklo na si Berly Diwaten at nagulungan ng trak kaya agad itong binawian ng buhay.

Habang naisugod sa ospital si Esog ngunit makalipas ang ilang minuto ay nasawi ito.

Sumuko naman sa Mlang PNP ang driver ng prime mover truck at nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa naturang pangyayari.