-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang siyam na iba pa matapos an araruhin ng isang kotse ang isang prosesyon nitong Biyernes Santo ng gabi sa lungsod ng Bacolod.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, pabalik na sa simbahan ng Barangay Alagilan ang prosesyon dakong ala-siyete ng gabi ng bumangga ang kotse sa isang tricycle.

Dinala naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Hawak na ng mga otoridad ang driver ng kotse na napag-alamang isang Indian National.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.