-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang 10 ang nasugatan ng atakihin ng nagpakilalang Taliban ang isang kasalan sa eastern Afghanistan para pahintuin ang mga
nagpapatugtog ng musika.

Ayon sa tagapagsalita ng Taliban na kanilang naaresto ang dalawa sa tatlong gunmen subalit kanilang itinanggi ang insidente.

Mula kasi ng mamuno ang Taliban noong 1996 hanggang 2001 ay pinagbawalan nila ang pagpapatugtog ng musika.

Pahayag naman ng mga ikinasal na nagpaalam sila kanilang local Taliban leader na magpatugtog ng kanta at sila naman ay pinayagan.