-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay ang dalawa katao nang manlaban sa mga otoridad sa anti-drug operation sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Mutalib Bulod at ang kanyang kapatid na si Asty Guiamalon Bulod, mga residente ng Sitio Gantong Barangay Manaulanan pikit Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police, Captain Mautin Pangandigan na nagsagawa ng search warrant operation ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) PNP-SAF at 90th Infantry Battalion Philippine Army.

Nanlaban umano ang magkapatid sa raiding team kaya itoy nasawi nang magtamo nang maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Narekober sa mga suspek ang isang M16 Armalite rifle,isang 12 guage shotgun, dalawang granada, mga bala, magazine, 20 grams na shabu at mga drug paraphernalia.

Ang mga nasawi ay may warrant of arrest na inisyu ni RTC-12 Branch 24 Judge Lily Lydia Laguindanun.

Nilinaw naman ng pamilya nina Bulod na hindi umano ito nanlaban sa mga otoridad.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Pikit Municipal Police Station (MPS) at pagtugis sa mga kasamahan ng mga suspek.