-- Advertisements --

Patay ang dalawang drug suspek matapos na manlaban sa mga kapulisan Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Allan Canlas at Asnawi Batuas ng Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Sinabi ni Pol. Lt. Col. Hector Amancia ng Novaliches Police, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya sila nanlaban kaya inunahan na sila ng kapulisan.

Nakuha sa kustodiya ng mga suspek ang droga na pinaghihinalaang shabu na may halagang P1.3 million at dalawang calibre .45 na baril.