-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang siyam ang sugatan matapos na pumalya ang run testing ng bagong tren sa Chile.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na biglang bumangga ang nasabing nasabing tren sa isang cargo train.

Ang mga sugatan na kinabibilangan ng apat na Chinese nationals ay bahag ng test train crew at sila ay patuloy na ginagamot sa pagamutan.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.