-- Advertisements --

NAGA CITY – Dalawa ang naitalang patay sa bakbakan ng militar at grupo ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Mampirao, Caramoan, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Division of Public Affairs Office (DPAO) ng 9th Infantry Division, Philippine Army, nabatid na pasado alas-5:15 kaninang umaga ng magsimula ang palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng 83rd Infantry Battallion at ng tinatayang nasa 20 mga rebelde.

Sa inisyal na datos ng mga otoridad, may limang mga armas na ang narekober at dalawang naiwang bangkay mula sa panig ng mga rebelde habang wala namang casualty ang naitala sa tropa ng pamahalaan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang clearing operations ng mga kasundaluhan sa encounter site.