-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dalawa na ang naitalang patay sa bayan ng Rosario, lalawigan ng Agusan del Sur sa hagupit ng bagyong Kabayan.

Nakilala ang unang biktima na si Joverny Papelleras, isang field worker sa isang kompanya na nakabase sa Davao City.

Ayon kay Agusan del Sur provincial information officer Alexis Cabardo, nadaganan ng natumbang kahoy na Falcatta ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Purok 9, Sitio Pamutungan, Brgy. Bayugan 3.

Dinala pa ito sa ospital ngunit nalagutan din ng hininga.

Habang Patay na ring natagpuan ang 58-anyos na si Regino de Gracia matapos itong tangayin ng tubig-baha sa sapa na kanilang tinawid ng kanyang pamangkin pasado alas-nueve ng gabi sa may Sitio Loring, Brgy. Sta. Cruz sa bayan rin ng Rosario.

Ayon kay Cabardo, dahil delikado ang nasabing lugar ay kanilang itinigil ang search and rescue operation at nang ibalik kanina, ay natagpuan itong wala ng buhay.