-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa dalawang magkahiwalay na pamamaril na nangyari sa General Santos City na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang biktima.

Kaagad na binawian ng buhay si Anielyn Tumbagahan Pelayo, 39 taong gulang, residente sa Zone 6, Block 11 Fatima ng lungsod.
Nagtamo ito ng maraming tama ng baril sa katawan.

Ayon kay Police Major Ian Bagot, Chief of Police ng Fatima Police Station, nakakulong na sa selda si Noel Malinog matapos nahuli sa hot pursuit operation sa Tupi South Cotabato.

Habang patuloy na pinaghahanap ang isa pang kasama nito.

Isa sa tinitingnang motibo ay personal grudge.

Sa kabilang banda, personal grudge rin ang motibo sa pamamaril sa biktimang si Regan Faciol, 29 anyos nga nakatira sa Purok Sta. Cruz Silway, Brgy. West, Gensan.

Ayon kay Police Captain Joseph Letigio, Deputy Station Commander sa Pendatun Police Station, dahil umano sa hindi nabayaran na druga na kinuha ang biktima sa suspek ang dahilan sa pammaril.

Ang biktima nagtamo ng sugat sa dibdib na dahilan ang agarang pagkasawi nito.