-- Advertisements --

Nasa dalawang katao ang nasawi habang marami ang natabunan ng mga debris sa nangyaring landslide sa Himachal Pradesh India.

Natabunan din ang mga truck at pampasaherong bus mula sa mga nahulog na malalaking tipak ng bato.

Nagsimula na ang mga otoridad ang kanilang search and rescue operations sa nasabing insidente.

Hindi pa matiyak ng mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng nasabing pagguho ng mga bato.