-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Patay ang isang lalaki na huhulihin sana sa pamamagitan ng warrant of arrest matapos itong makipagpalitan ng putok sa mga pulis.

Ayon kay Ian Charles Abastillas ang hepe ng Bula Police Station, ay naghain ng warrant of arrest kay Sajud Macmod Suib, nasa hustong gulang, mula Sharif Mucsin Brgy Baluan GenSan.

Ang arrest warrant ay bahagi ng kasong kinakaharap ni Suib, na kasong may kinalaman sa armas at iligal na droga.

Nang salakayin ang bahay kaninang madaling araw, nanlaban ang lalaki sa operatiba na bumunot ng armas at binaril ang mga pulis.

Nauna nang ibinulgar noong panahon ni PCapt Ari Noel Cardos noong hepe siya ng Bula Police Station na ni-raid ang bahay ni Suib ngunit negatibo ang resulta.

Sa kabilang banda, isang lalaking usa ang napatay matapos pagbabarilin sa hot pursuit operation ng mga pulis alas-7:45 kagabi, Hulyo 2 sa Purok San Roque, Silway, Barangay Dadiangas West, GenSan.

Kinilala ang nasawi na si Evanjade Cenas, alyas Van-van, nasa hustong gulang at residente ng Purok San Juan sa nabanggit na Barangay. Ayon sa pulisya, binaril ni alyas Van-van si Regan Faciol sa Purok San Juan Extension Silway, nitong Hulyo 1 ng gabi.