KORONADAL CITY – Nakapagtala na nang dalawang patay sa bayan ng Lake Sebu , South Cotabato dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan.
Ito ang inihayag ni Lake Sebu Mayor Floro Gandam sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon sa alkalde, dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa kanilang lugar mula pa noong nakaraang araw ,umapaw ang tubig baha sa Sungan River sa bahagi ng Brgy.Kibang,Ned ,Lake Sebu kung saan sinubukan umanong tumawid ng 3 mga guro sa nasabing ilog ngunit tingay ang mga ito ng agos ng tubig.
Masuwerte naman na nakahawak ang isa sa mga biktima sa puno ng kawayan ngunit dahil sa malakas na agos ng tubig baha, natangay ng tuluyan ang dalawang mga kasamahan nito.
Maliban pa dito, 10 pamamahay rin ang natangay ng baha sa nasabing bayan , 2 kabayo at isang tulay ang ang nasira.
Umabot naman sa halos 400 na mga pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan sa 2 mga gym, isang simbahan at evacuation center para mabigyan ng ayuda. Maliban pa dito, nakapagtala rin ng landslide sa Lamdalag.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pamimigay ng tulong sa mga apektadong mga residente ang sang Lake Sebu LGU.
Inaalam naman sa ngayon ang kabuuang pinsala na dala ng nasabing pagbaha.