-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao matapos ang missile strike ng Israel sa Damascus, Syria.

Ayon sa Syrian military na dalawang sibilyan ang nasawi ng tumama ang ilang missiles sa gusaling Kafr Sousa district.

Base naman sa monitoring group na na dalawang dayuhan at sibilyan na Syrian ang nasawi.

Ang nasabing lugar kasi ay pinamumugaran ng mga senior offiicals ng Revolutionary Guards ng Iran at Hezbollah groupo Lebanon.

Una ng sinabi ng Israel na naglunsad sila ng mga missile strikes sa Syria na targets ang mga Iran at ilang armadong grupo.