-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa Lumbia Police Station sa totoong dahilan ng pagka-aksidente patay ng dalawang magpinsan sa Palalan, Barangay Lumbia sa lungsod.

Kinilala ang mga namatay na sina Francis Jade Reyes, 19, drayber ng motorsiklo at ang back ride na si John Daniel Reyes, 22, kapwa residente sa Sta Cruz sa naturang barangay.

Sinabi ni Russel Lim, kaanak ng mga namatay na galing sa Echoville, Lumbia ang mga biktima at nakainum ito ng alak ng magmaneho sa sinasakyang motorsiklo.

Una nang lumabas ang report na mayroong iniiwasang aso ang driver kaya’t nahulog sila sa imburnal na nagresulta sa kanilang pagkamatay.