GENERAL SANTOS CITY – Dalawa ang patay tatlo naman ang nahuli sa one time bigtime drug operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ni Lt. Col. Alex Orcajada ng RPDEU ang mga napatay na sina Japet Damayo traysikel driver at isang Jay Dante pawang mga residente ng Poblacion Polomolok South Cotabato.
Unang pinasok ang bahay ni Dante subalit nagpaputok kaagad ito gamit ang 38 revolber, maging si Damayo ay bumunot din umano ng baril.
Kapwa patay ang dalawa at nakuha sa kanila ang tig-isang 38 revolber at hindi mabilang na sachet ng pinagniniwalaang shabu.
Dagdag ni Orcajada na nagtatagong traysikel driver si Damayo subalit nagmay-ari ito ng malaking bahay at ang likod nito ay ginagamit na drug den.
Nahuli na umano ito noon subalit nakapiyansa at muling bumalik sa operasyon ng pinagbawal na gamot.
Hawak naman ng mga otorida ang tatlo pang nahuli.