-- Advertisements --
Nakapagtala ng dalawang nasawi sa Oriental Mindoro, matapos tumama doon ang typhoon Tisoy.
Ayon kay Gov. Hubert Dolor, ang landfall ng bagyo sa Mindoro ay ikatlong pagtawid nito sa lupa mula nang tumbukin kagabi ang lalawigan ng Sorsogon.
Isa sa mga namatay ay 59-anyos na lalaking nagtatanggal lang sana ng mga sanga ng punong bumagsak sa harapan ng kanilang bahay.
Hindi umano nito napansin ang bumagsak na debris kaya hindi niya nagawang makaiwas.
Ang ikalawang casualty naman ay tinamaan ng lumipad na yero mula sa kanilang kapit-bahay at nagtamo ito ng matinding pinsala sa kaniyang katawan.
Samantala, wala namang naitalang pagbaha, ngunit kailangan nilang magtanggal ng mga nabuwal na puno sa mga lansangan.