-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao habang marami ang nasugatan matapos na araruhin ng kotse ang isang pedestrian zone sa Trier, Germany.
Naaresto ng mga kapulisan ang driver ng kotse na isang 51-anyos na lalaki at residente rin ng Trier-Saarburg area.
Hindi pa matiyak ng mga kapulisan ang sanhi ng nasabing aksidente at hindi rin nila masabi kung naka-droga ba o lango sa alak ang driver.
Nanawagan ang mga otoridad na iwasan na magpunta sa lugar hanggang hindi pa natatapos ang imbestigasyon.