-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao sa pagbagsak ng two-seater Cessna plane sa bayan ng Lingayen sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Police Lt. Col. Amor Mio Somine ang hepe ng Lingayen PNP, na ang mga nasawi ay isang piloto at student pilot.

Nangyari ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa Barangay Libsong East.

Base sa imbestigasyon na kakalipad lamang ng eroplano sa Lingayen airport at ng mag-u-u-turn ay bigla na lamang bumagsak sa hindi kalayuan sa paliparan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.