-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao matapos na bumagsak ang sinakyan nilang eroplano sa Sao Paulo, Brazil.
Ayon sa mga otoridad na bumagsak ang nasabing Beech P90 King Air sa isang bus sa Marqes de Sao Vicente Avenue.
Nasugatan ang isang babae na lulan na bus na agad naman itong dinala sa pagamutan.
Maging ang isang nagbibisikleta na tinamaan ng debris mula sa eroplano ay nagtamo ng sugat kaya ito ay agad na dinala sa pagamutan.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagbagsak ng eroplano.