-- Advertisements --
Patay ang dalawang crew ng pampasaherong eroplano matapos na ito ay bumagsak at nasunog habang nagsasagawa ng emergency landing sa paliparan ng Siberia.
Dumausdos pa sa runway ang Angara Airlines flight ng halos 328 talampakan ng tinangka nitong lumapag ng maayos.
Bumangga pa sa ilang mga sewage treatment sa lugar ang eroplano bago ito nasunog.
Ligtas naman ang 43 pasahero na lulan ng nasabing eroplano.
Kinilala ang nasawi na sina Kolomin Vladimir Llyich ang piloto at mekanikong si Bardanov Oleg Vladimirovich.
Patungo sa pagitan ng Ulan-Ude at Nizhneangarsk ang dalawang bayan sa eastern Siberia ang nasabing eroplano.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing aksidente.