-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao matapos ang pagbagsak ng eroplanong sinakyan nila habang nag-aapula ng wildfire sa Greece.
Kabilang ang mga bikitma na mga grupo ng nag-aapula ng malawakang wildfire sa isla ng Evia ng bigla na lamang bumagsak ang eroplano.
Inaalam pa ng mga otoridad kung paano bumagsak ang eroplano.
Magugunitang mahigit isang linggo na ng maganap ang wildfire sa Greece dahil sa nararanasang labis na init ng panahon.