-- Advertisements --

Patay ang dalawang pasahero sa pagbaligtad ng pampasaherong jeep sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa lungsod ng Quezon.

Base sa inisyal na imbestigasyon na mabilis ang takbo ng jeep kung saan mayroong 16 na iba ang sugatan habang may dalawa pang sasakyan ang nadamay.

Itinakbo na sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang ang driver ng jeep ay nasa kustodiya na ng kapulisan.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing aksidente.