-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao matapos ang pagguho ng ginagawang gusali sa Kampala, Uganda.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bumigay ang nasabing gusali dahil sa walang humpay na pag-ulan sa lugar.

Nagtutulong-tulong ang mga katao at bumbero para mailabas ang mga naipit na biktima.

Katabi kasi ng gumuhong gusali ang Kisenyi Bus Terminal ang pangunahing transit hub sa capital ng Uganda.