-- Advertisements --

Nasa dalawang katao ang patay habang marami ang sugatan sa pagkadiskarel ng high-speed train sa Lodi province, Italy.

Naganap ang insidente sa bayan ng Casalpusterlengo kung saan dalawang train conductors ang napatay at 28 katao ang sugatan.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente at pansamantalang sinuspendi nila ang operasyon ng train ng isang araw.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Italian President Sergio Mattarella sa mga kaanak ng mga nasawing biktima.