-- Advertisements --

Nasa dalawang katao ang patay sa naganap na pagsabog sa Madrid, Spain.

Ayon kay Madrid Mayor José Luis Martínez Almeida , na nagmula ang pagsabog sa pamamagitan ng gas leak.

Isang 85-anyos na babae at lalaki ang sinasabing nasawi sa insidente.

Bukod sa mga nasawi ay mayroon ding walong katao ang nasugatan sa insidente.

Nailigtas ng mga rescuers ang nasa 50 katao mula sa care home sa kalapit na gusali.

Dahil sa pangyayari ay nagtamo ng malaking pinsala ang apat na palapag ng gusali.

Pansamantala rin nilang isinara ang lugar habang nagsasagawa ng karagdagang imbestigasyon.