-- Advertisements --
Arkhangelsk region
Arkhangelsk region

Patay ang dalawang katao sa naganap na pagsabog sa naval test facility sa northern Russia.

Pawang mga civilian specialist ang nasawi habang apat na sugatan na mga military at civilian personnel.

Ayon sa defense ministry ng Russia, nangyari ang pagsabog habang isinasagawa ang testing ng rocket engine.

Hindi naman na nito binanggit kung mayroong mga nakakasakit na materyal o radiation ang pasilidad sa north-western Arkhangelsk region sa Russian Arctic.