LEGAZPI CITY- Umaabot na sa P121.5 milyon ang naiulat na pinsala sa rehiyong Bicol dala ng pananalasa ng Bagyong Jolina.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Gremil Naz ang tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol, P104 milyon sa nasabing halaga ay mula sa mga nasirang imprastraktura habang ang P16.5 milyon naman ay initial damage assestment para sa sektor ng agrikultura.
Nasa 888 ang mga kabahayan na nasira ng bagyo na karamihan ay mula sa Masbate kung saan 190 sa mga ito ay totally damaged.
Samantala, pagdating naman sa mga casualties dalawang katao na ang nakumpirmang binawian ng buhay matapos na malunod sa magkahiwalay na insidente sa Cawayan at Placer, Masbate.
Abala rin sa ngayon ang Philippine Coast Guard at Disaster Risk Reduction and Management Council sa paghahanap ng 14 na katao na nawawala pa matapos abutan ng sama ng panahon sa gitna ng dagat.