-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao at 23 ang sugatan sa pagtaob ng barko sa karagatan ng San Diego, California.

Sinabi ni San Diego Fire Rescue Department spokesperson Monica Munoz na tumaob ang barko malapit sa Cabrillo National Monument sa Point Loma.

Itinakbo sa iba’t-ibang mga pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Nagtulong-tulong na ang ibang ahensiya para mahanap ang ibang mga sakay ng lumubog na barko.

Nagpaabot naman ng pagdarasal si San Diego Mayor Todd Gloria at tiniyak nito ang ang tulong sa mga biktima.