-- Advertisements --
Dalawa ang naitalang patay matapos na sila ay pagbabarilin sa isang paaralan sa Mexico.
Ayon kay Torreon Mayo Jorge Zermeno, may dalawang baril ang lalaki kung saan pinagbabaril ang mga nasa loob ng Colegio Cervantes.
Napatay nito ang isang teacher bago nagpakamatay.
Naitakbo naman sa pagamutan ang limang nasugatang biktima.
Sinasabing nasa edad 11 hanggan 12 anyos ang namaril na suspek.