-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dalawa katao ang patay sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Boboy Magbanua at alyas Efren na mga residente ng Antipas Cotabato.

Ayon sa mga residente na nakarinig sila ng mga putok ng baril sa gilid ng national highway.

Nang magresponde ang mga myembro ng BPAT at mga pulis natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala.

Sa ngayon ay blangko pa ang Antipas PNP sa motibo sa pamamaril patay sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.