-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang pitong iba pa ang sugatan matapos ang naganap na pamamaril sa Arkansas.

Kabilang ang isang pulis sa nabaril na nasa ligtas na kalagayan sa insidenteng naganap sa Mad Butcher Grocery sa Fordyce, Arkansas.

Nabaril din ng mga kapulisan ang suspek at ito ay nasa kritikal na kalagayan.

Inaalam pa ng mga kapulisan ang naging motibo sa nasabing pamamaril.