CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang dalawa ka tao sa pamamaril sa lungsod ng Cotabato.
Nakilala ang mga nasawi na sina Arnold Chavez 29 anyos, pintor na nakatira sa Brgy Poblacion 4, at si Christopher Chavez 36 anyos, sikad-sikad driver na residente ng Purok Jasmin, Brgy Rosary Heights 2 Cotabato City.
Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office naglalakad umano ang mga biktima sa bahagi ng Dona Theresa Street, corner Dona Pilar Street ng Barangay Poblacion 4 sa lungsod ng Cotabato nang bigla silang pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola at 9mm pistol.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa syudad ng Cotabato.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima kaya agaran itong binawian ng buhay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Cotabato City sa pamumuno ni Police Colonel Portia Manalad sa pamamaril patay sa mga biktima.