-- Advertisements --

Nag-iwan ng dalawang katao ang patay at marami ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa New Jersey.

Ayon sa mga kapulisan ng Cumberland County, nangyari ang insidente sa isang house party sa East Commerce Street sa Fairfield Township.

Nasa 12 katao rin ang itinakbo sa pagamutan matapos na magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanlang katawan.

Hindi pa malinaw sa mga kapulisan ang motibo ng pamamaril na ikinasawi ng isang babae at isang lalaki.

Nanawgan naman si New Jersey Gov. Phil Murphy na agad na ipaalam sa kanila kapag may makuhang impormasyon sa kinaroroonan ng suspek.