-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang 2 iba pa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa train station sa Brussels.

Nangyari ang insidente sa Saint Gilles district kung saan mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan at ang motibo ng suspek sa insidente.

Hindi naman inaalis ng mga kapulisan na ang motibo ng insidente ay may kaugnayan sa iligal na droga dahil sa kilala ang lugar sa bentahan ng iligal na droga.