-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao matapos na sila ay pagbabarilin sa isang drive-in sa Nebraska.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ng Bellevue ang nag-iisang suspek.

Napatay agad ang dalawang biktima habang may dalawang biktima pa ang nasugatan at nagpapagaling sa pagamutan.

Unang naiulat sa mga kapulisan na may bombang dala ang suspek sa kaniyang sasakyan subalit ito ay nagnegatibo ng kanilang halughugin ito.